PRIMO'S POV
STILL IN FLASHBACK
"Oh my gosh Maddy!" napatingin ako sa nagsalitang babae, lumapit ito sa babaeng kausap ko at tumingin sa akin.
"kanina pa ba siya dito?" bahagya akong tumango at napalabi. Napatingin ako sa ibang kasama niya. Nakita no rin ang babaeng nakatirintas ang buhok. Iyon ang kasama niya kaninang sumasayaw sa gitna. Napagtanto kong mga kaibigan niya ito.
"Goodness! We have to make hatid sa kaniya guys." sabi ng babaeng nakatirintas ang buhok.
Mayayaman nga. Hindi diretso ang tagalog eh. Napatawa ako at inasikaso ang babaeng nag oorder ng drinks pero ang buong atensiyon ko ay nasa grupo nila at pinalilibutan ang babaeng kausap ko.
Maddy....
Iyon ang tinawag sa kaniya nung isang babae eh. Mukhang nickname lang ata iyun kasi sino namang matinong nanay ang magpapangalan ng Maddy sa anak?
Maddy? Like Mad? Galit?
"Wait I'll call my driver na lang." rinig kong saad noong naunang lumapit kanina.
"Oo, para makauwi na tayo. Baka malate ako sa trabaho bukas!" stressed namang sambit ng isang babae na naka clip ang buhok.
"Ako na magdadrive." malamig ang boses at parang bored na sambit naman ng isa nilang kasama. Hindi ito nakaporma na pang bar, para nga itong makikipag away dahil naka leather jacket pa talaga.
"Okay! Nasa labas na si manong Edd." sambit ng isa.
"Heyy Madyy, come on! We're going home na." Sambit ng nakatirintas ang buhok. Dumilat naman si Maddy at nakita kong kumunot ang nuo niya.
"No! Wait! I'm gonna court someone pa eh!" sambit nito at bumangon mula sa pagkakasubsob at tumingin sa akin.
"What's your answer Mr. Bartender? Will you be my boyfriend?" walang hiya hiyang saad niya. Nagsinghapan naman ang mga kaibigan niyang babae. Gulat na gulat ang mga ito.
"Oh for goodness' sake!" bulalas ng babaeng nagsabing siya na lang ang magdadrive.
"I'm sure hindi niya maaalala to! Lasing na lasing na eh!" pairap na saad noong isa.
"I'm gonna chismis this to her when she's sobber!" hagikgik naman noong nakatirintas ang buhok.
Ano ba namang mga kaibigan to! Nag usap usap pa sila kaya napakamot na lang ako sa aking ulo.
"Shhhh! Silence!" lasing na sigaw ni Maddy. Pumipikit pikit na nga ito dahil sa kalasingan eh. Pero maganda padin, mukhang wala atang kapintasan ang babaeng ito.
Tumingin siya sa akin at tumaas ang kaliwang kilay. Lumapit ako at tumingin sa kaniya ng seryoso.
"You should go home and sobber up madame. You're drunk. And my answer is no. I don't want to be your boyfriend." seryoso kong saad at tumingin sa kaniyang mga kaibigan. Tulala ang mga ito sa sinabi ko.
Huh?
Bakit?
Ang weweird talaga ng mga babaeng to eh!
Tinulungan ko silang makalabas sa bar. Ako na ang bumuhat kay Maddy dahil hindi na ito makalakad ng maayos.
"What's wrong with me?"
"Bakit hindi ako gustong maging girlfriend ni Primo?"
"That's his name right? Primo?"
"Primo."
"I like his name!"
"I like him!"
Natatawa na lang ako dahil sa pinagsasabi niya habang nakapikit.
Ayan! Lasing pa! Iinom inom tapos kapag nalasing nakuuu!
"Sir?"
"Engineer?"
"Engineer!"
Napabalik ako sa huwisyo ng marinig ang boses ng sekretarya. Napakurap kurap pa ako ng makitang nasa harapan ko na ang CEO ng Guerrero's Corp.
Shit!
Napakamot ako sa batok.
"Ah, I'm sorry. May sinasabi ba kayo? Good afternoon madame CEO." pagpapaumanhin kong sambit.
Gagu!
Nakakahiya ka naman Primo!
Umayos ka diyan!
Pagkastigo ko sa aking sarili. Tumaas ang kaliwang kilay ng CEO nila at naniningkit ang mga matang tiningnan ako.
"You're familiar. Have we met before?" mataray nitong sambit at tumalikod na pabalik sa mesa nito. Sumenyas naman siyang sumunod ako kaya naglakad na din ako papalapit.
"Angie, please get engineer Alonzo something to drink. Mukhang kinakabahan eh, hindi naman ako nangangagat." nakangiting sambit niya.
"Yes miss." rinig kong saad ng sekretarya at mabilis na lumabas ng pintuan. Nahigit ko ang aking hininga ng umupo siya sa aking harapan.
"So?" taas ang kilay niyang tanong sa akin.
Anong so?
Ahh!
Gagu! Nakalimutan ko pa talaga kung anong ginagawa ko rito eh. Dali dali kong inilapag ang dala kong sketches at ang gawa kong blueprints para sa kabuoan ng hotel na gagawin.
"I'm talking about my question engineer. Have we met before? I think I know you eh." napalunok ako at tumingin sa kaniya.
"Uh" I cleared my throat before answering.
"We met in the bar miss CEO." seryoso kong sambit. Lasing na lasing nga ata siya dahil hindi niya na maalala.
"Really?" she said. Amusement is visible in her eyes. Nagtataka naman ako.
"I never thought nagbabar ka pala." natatawa niyang sambit.
"What do you mean?" tanong ko at umayos ng upo. Dumating naman ang sekretarya niya at may dalang kape.
Really?
Kinakabahan na nga ako tapos papag kapehin pa ako?
Joke ba to?
What if magpalpitate na ako dito?
"I mean, you look so innocent kasi. Not the usual guys you'll see in the bar."
bakit ganun? Parang kaswal lang naman ang pagkakasabi niya sa akin pero bakit pakiramdam ko inaakit niya ako?
Tumikhim ulit ako at hindi na lang nagreklamo sa kape at sinimula kong humigop doon.
"Don't judge the book by it's cover, I guess?" saad ko na lang. Her eyes are piercing through me. I don't know how she do that, o sadyang apektado lang ako sa titig niya?
At bakit naman ako magiging apektado?
Hays!
Narinig ko ang tawa niya kaya napapantastikuhan ko siyang tiningnan. She sipped from her coffee too.
"Fine, fine. Let's get to business then. And oh! Sorry about earlier, kailangan mo pa talagang ma witness ang eksenang iyon." nakangiwi niyang sambit.
"Ayos lang! I'm used to that kind of scene anyways." nakangiti kong sambit.
Joke lang na I'm used to that kind of scene. Putcha! First kong maka witness ng ganun!
"Okay! Can I see the blueprints?" saad niya kay mabilis kong inilatag sa mesa ang gawa ko.
She just made some adjustments sa mga rooms, at sa lobby. Madali na lang iyon. Kinabisado niya rin ang gawa ko and overall she's okay with the work. Nakahinga ako ng maluwag. It's settled, I'm the official engineer sa new project ng Guerrero's Corporation!
Thank you Lord!
Magaan ang pakiramdam ko ng inililigpit ko na ang aking mga gawa.
Makakauwi na din! Hoo!
Pigil na pigil kasi ang bawat kilos ko dahil sa tingin ko ay palagi siyang nakamasid. Ang lakas pa ng kabog ng dibdib ko na para bang may tambol doon.
Ewan ko ba! Mukhang nababakla ako. Tanginang yan!
Tumayo na ako at magpapaalam na sana ng magsalita siya.
"Do you want to have dinner with me, Engineer?"
rinig kong sambit niya na mas lalong nagpakabog sa aking nananahimik na puso.